Encantadia, Victor Magtanggol nagsanib-pwersa na

MAGANDA ang naging simula ng linggo hindi lang sa mga tagasubaybay ng well-loved series ng GMA na Victor Magtanggol kundi pati na rin sa mga fans ng mga naggagandahang sang’gre ng Encantadia.

Ang tinutukoy namin ay sina Pirena (Glaiza de Castro), Amihan (Kylie Padilla), Alena (Gabbi Garcia) at Danaya (Sanya Lopez) na bibisita sa telefantasya ni Alden Richards.

Para sa fans, pangmalakasan daw ang pagsasanib-puwersa na ito ng dalawang primetime soaps ng Kapuso Network at talagang aabangan ng viewers.

Siguradong times two ang fight scenes na mapapanood dahil mga diwata at superhero na ang nagsama. Ito na nga raw ba ang katapusan ng kasamaan sa kuwento ng Victor Magtanggol?

‘Yan ang dapat n’yong abangan!

Read more...