Richard Yap binalaan sa planong pagtakbo sa Kongreso


SAMANTALA, balitang pinag-iisipan na ring mabuti ni Richard Yap kung tuluyan na rin niyang papasukin ang magulong mundo ng politika.

Ayon sa ulat, marami ang nanliligaw sa aktor na tumakbong kongresista sa North District ng Cebu. Doon siya ipinanganak at lumaki.

Sa isang panayam, kinumpirma ni Ser Chief na matagal na raw siyang inaalok na kumandidato sa Cebu pero ilang beses na rin niyang tinanggihan.

“I’m thinking about it. Well, there are people asking me and I’m seriously thinking about it. There are people who have asked me to run for the past five or six years already, and I have declined,” sabi ni Richard sa isang interview.

Sa paglabas ng balitang ito, marami naman ang nagbigay babala kay Richard kung sakaling pasukin na nga niya ang politika. Kailangan daw ihanda na niya ang kanyang sarili at pamilya dahil mas malala raw ang intrigahan sa politika kesa sa showbiz.

Meron namang nagsabi na huwag na raw siyang tumakbo dahil magugulo lang ang buhay niya.

Sey ng isang fan ni Richard, “Naku, Ser Chief, wag na lang. Marami ka namang napapasaya at natutulungan kahit wala ka sa politics. Baka masira lang ang buhay mo diyan.”

Komento naman ng isa pa, “We understand your situation. And we know na gusto mo talagang mag-public service pero kailangang pag-isipian mo muna yan ng maraming beses dahil baka magsisi ka lang sa bandang huli.”

“Please Ser Chief, this is not a wise thing to do. Kahit na maraming namimilit sa yo na tumakbo, dapat sa isip at puso mo gusto mo ang gagawin mo hindi dahil sa mga taong nakapaligid sa yo!” sabi naman ng kanyang fan.

Read more...