Ika-5 Utos kasisimula pa lang pero sunud-sunod agad ang mga pasabog


GRABE naman pala talaga ang mga pasabog sa GMA Afternoon Prime series na Ika-5 Utos. Kakasimula pa lang nito ay napakarami agad nangyari.

Last Saturday nga, namatay na agad ang karakter ni Neil Ryan Sese bilang asawa ni Jean Garcia na inakit at inahas ni Valerie Concepcion. At dahil dito, maghihiganti naman si Jean na naniniwalang may kinalaman ang traydor niyang kaibigan.

Bukod sa mataas ang rating ng Ika-5 Utos, palagi rin itong nasa top trending topic sa social media. In fairness, may kani-kanya na ring grupo ng fans ang tatlong bida ng serye – may Team Eloisa (Jean), Team Clarisse (Valerie) at Team Kelly (Gelli).

Bukod sa galing ng cast at sa napapanahong kuwento ng Ika-5 Utos, bumilib din ang viewers sa napakabilis na pacing ng serye na kakasimula pa lang umere ay parang pa-ending na ang mga ganap.

Bukod sa tatlong bida, kasama rin sa serye sina Tonton Gutierrez, Antonio Aquitania, Jeric Gonzales, Inah de Belen, Migo Adecer, Klea Pineda at Jake Vargas.

Patuloy na tutukan ang Ika-5 Utos tuwing hapon sa GMA Afternoon Prime after Eat Bulaga, sa direksyon ni Laurice Guillen.

Read more...