UP varsity player Ricci Rivero sumabak na rin sa akting


SUMABAK muna sa acting ang UP varsity player na si Ricci Rivero dahil kailangan muna niyang tapusin ang one year residency sa school bago makapaglaro sa UAAP league.

Natapos na ng dating La Salle University star player ang full length film na “OTLUM” mula sa Horsehoe Studios at idinirek ni Joven Tan.

Sa isang interview kay Ricci, perfect timing daw ang pagdating ng movie. Pumayag siyang gawin ang pelikula dahil nag-adjust naman sa schedules at hindi nasagaan ang training at studies niya.

“Sobrang supportive po ng production at cast sa akin kaya po ‘yung kaba ko as a first time actor, naging memorable experience po para sa akin,” pahayag ni Ricci sa panayam ng ABS-CBN News.

Kasama ni Ricci Rivero sa movie sina John Estrada, Jerome Ponce, Michelle Vito, Pen Medina at marami pang iba.

Read more...