Dawn pinagalitan ang ilang fans nila ni Goma dahil sa pambabastos kay Mega
NAGSUMBONG kay Dawn Zulueta ang ilang Sharonians dahil sa ginawang pambabastos ng mga fans nila ni Richard Gomez kay Megastar Sharon Cuneta.
Hindi nagustuhan ng mga supporters ni Sharon ang paandar ng ilang CharDawn fans. Kumalat kasi sa social media ang isang litrato kung saan ginupit ang mukha ni Mega sa photo nila nina Richard at Kathryn Bernardo na kuha sa storycon ng pelikula nilang “Three Words To Forever.”
Ipinalit sa mukha ni Sharon ay ang mukha ni Dawn. Ilang CharDawn fans ang nagpalitan ng mensahe sa comment section at nagsabing hindi raw bagay si Sharon bilang leading lady ni Richard.
May isang Sharonian ang nagpadala kay Dawn ng nasabing photo sa pamamagitan ng Twitter at nagsabing, “Hi miss po miss @DawnZpost look how rude your fans are… nakakaproud po ba sila?
“Or do you even know na may mga fans kayo na ganyan kabastos?
“Kasi po kaming mga sharonians NEVER ka namin binastos ng ganyan. Cos we know how to show RESPECT.”
Agad namang pinagsabihan ni Dawn ang mga CharDawn fans na huwag naman sanang i-bash ang loveteam nina Sharon at Goma.
“Calling the attention of some members: Pls refrain from doing this. If you cant say anything nice, dont say anything at all. Cc: @itsDawnZulueta @CD_Penguins,” tweet ng aktres.
Nag-sorry din ang mga supporters ni Dawn sa nangyari sa pamamagitan ng kanilang fan group account na @itsDawnZulueta.
“We sincerley apologise for their actions. We do not condone such behavior from our members. And we will reprimand members involved. And we will do our best to avoid similar acts in the future,” sabi pa sa official statement.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.