K-version ng BBC series na Luther bibigyang-buhay ni Shin Ha Kyun


KUMPLETO na ang cast ng Korean version ng multi-awarded BBC series sa UK na Luther. Pagbibidahan ito ng lead star ng sikat na K-crime drama noong 2016 na si Shin Ha Kyun.

Hindi naman ito maiiba sa role ni Ha Hyun sa Luther o Bad Detective, dahil muli siyang gaganap bilang veteran detective na may strong sense of justice sa lahat ng kasong kanyang hinahawakan.

Makikilala niya ang isang babae na gagampanan ni Lee Seol, at kalaunan ay magiging katulong niya sa pagresolba ng mga kaso. Dumaan din sa mahirap na audition si Lee Seol bago niya makuha ang role.

Makakasama rin nila ang sikat na K-pop idol member ng B1A4 na si Baro (Cha Sun Woo) bilang parte ng investigation team at si Bae Da Bin na napanood sa sikat na romcom na My ID Is Gangnam Beauty.

Gaganap siya rito bilang tomboy na si Kwon Yoon Byul. Si Yoon Hee Suk naman ang gaganap bilang best friend ng karakter ni Ha Kyun. – Louise Ariola

Read more...