Yoo In Na ng Goblin muling bibida sa It Feels Sincere


KOREAN word of the week: “Arraseo” – Nangangahulugan ito sa Ingles ng “I understand” at “Naiintindihan ko” naman sa Filipino.

q q q

Bibida ang isa sa mga lead stars ng blockbuster na K-drama na Goblin na si Yoo In Na sa bagong Korean series na It Feels Sincere.

Personal na pinili ng producer sa likod ng hit romantic-comedy drama na What’s Wrong With Secretary Kim, na si PD Park Joon-Hwa si In Na para rito.

Ayon sa YG Entertainment, ang agency na kinabibilangan ni In Na, Set. 7 nang ialok sa kanya ang title role ng upcoming drama. Naging positibo naman ang kanilang pag-uusap tungkol dito.

Gumanap si In Na bilang si Kim Sun sa top rating drama na Goblin, kung saan nakasama niya si Gong Yoo at naging ka-loveteam naman si Lee Dong Wook (Grim reaper).

Ang It Feels Sincere ay base sa isinulat na nobela ng author na si Jager na may kaparehong title. Iikot ang kwento nito sa isang abogado at top actress na masasangkot sa scandal kasama ang isang chaebol o rich man.

Inaasahang maipalalabas ito sa TVN sa unang quarter ng taong 2019 kapalit ng upcoming drama ngayong Nobyembre na Boyfriend, na pagbibidahan ng mga K-superstar na sina Song Hye Kyo at Park Bo Gum.

Bagamat hindi pa malinaw kung sino ang magiging leading man ni In Na, marami na ang nag-aabang dito. – Louise Ariola

Read more...