Gustong humaba ang buhay? Magbakasyon

MAHILIG at malimit ka bang nagbabakasyon?

Kung oo ang sagot mo, you are one lucky guy. Dahil alam mo bang mabuti iyang para sa iyong kalusugan?

May lumabas kasi na bagong pag-aaral na ibinahagi sa European Society of Cardiology Congress 2018 na nagsasabi na makatutulong ang pagbabakasyon para humaba ang iyong buhay.

Isinagawa ng mga mananaliksik mula sa University of Helsinki, Finland, ang nasabing pag-aaral na tumingin sa 1,222 middle-aged male executives na i-pinanganak sa pagitan ng 1919 at 1934 at isinama sa Helsinki Businessmen Study noong 1974 at 1975.

Ang lahat ng mga kalahok ay nahaharap sa risk factor para sa cardiovascular disease kabilang ang paninigarilyo, high blood pressure, high cholesterol, eleva-ted triglycerides, glucose intolerance at overweight.

Malayang hinati ng mga mananaliksik ang mga kalalakihan sa dalawang grupo kung saan mayroon itong intervention group na bi-nubuo ng 612 kalahok na binigyan ng oral at written advice kada apat na buwan para magsagawa ng aerobic physical activity, kumain ng masustansiyang pagkain, makamit ang tamang timbang at pagtigil sa paninigarilyo para mapabuti ang kalusugan.

Kung ang mga nasabing paraan ay hindi epektibo, ang kalahok ay binibigyan din ng mga gamot na rekomendado sa panahon ng pag-aaral para mapababa ang kanilang blood pressure at lipids.

Ang nalalabing 610 kalahok ay nagsilbing control group na tumatanggap ng karaniwang healthcare at hindi sila nakikita ng mga mananaliksik.

Matapos ang limang taon, nabatid ng grupo na ang panganib ng cardiovascular disease ay nabawasan ng 46 porsyento sa intervention group kumpara sa control group.

Subalit sa pagtatapos ng 15-year follow-up noong 1989 naging mas marami ang namatay sa intervention group kaysa sa control group.

Para mabatid kung bakit ito nangyari, pinalawig ng mga ma-nanaliksik ang kanilang follow-up sa 40 taon kung saan sinuri nito ang national death registers at mga naunang hindi naulat na datos sa mga kalahok tulad ng kanilang trabaho, pagtulog at pagbabakasyon.

Nalaman na ang maigsing pagbabakas-yon ay may kaugnayan sa mas mataas na bilang ng fatality rate sa intervention group, kung saan ang mga kalalakihan mula sa intervention group na nagkaroon ng tatlong linggo o mas mababang taunang bakasyon ay mayroong 37 porsyento na mas mataas ang panganib ng kamatayan sa pagitan ng 1974 hanggang 2004 kumpara sa mga nagbakasyon ng mahigit sa tatlong linggo.

Subalit ang panahon ng pagbabakasyon ay wala namang epekto sa peligro ng pagkamatay sa control group at ang death rate ng dalawang grupo ay parehas sa mga taong 2004 hanggang 2014.

Read more...