Palasyo dumistansiya sa panibagong kontribersiyal na video ni Mocha Uson

MOCHA USON AT DREW OLIVAR

DUMISTANSIYA ang Palasyo sa panibagong kontrobersiyal na video ni Communications Assistant Secretary Mocha Uson matapos namang mag-viral ang kanyang video kasama ang blogger na si Drew Olivar kung saan ginawa nilang katawa-tawa ang sign language.

Sa isang briefing sa Benguet, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ipinauubaya niya ang isyu kay Communications Secretary Martin Andanar, na siyang direktang may sakop kay Uson.

“No, I will leave that to PCOO Secretary Martin Andanar,” sabi ni Roque.

Ito’y matapos namang batikusin ng mga netizen ang panibagong video ni Uson at ng blogger na si Drew Olivar matapos paglaruan ang sign language.

Makikita sa video na sinabihan ni Uson si Olivar ng mag-sign language, na ginawa naman ng huli, bagamat ginawa itong katawa-tawa.

Nauna nang nanawagan ang netizen para magbitiw si Uson matapos naman ang kontrobersiyal na “pepedederalismo” video na kasama rin si Olivar.

Mismong si Pangulong Duterte ang nagsabi na may pagkakataong sumusobra si Uson, bagamat sinabing karapatan niya ito.

Read more...