KINONDENA ng Palasyo ang nangyaring pagpapasabog sa General Santos City kung saan pito ang nasugatan.
“We condemn in the strongest possible terms today’s explosion that hit General Santos City which left scores of people injured. This comes at an unfortunate time when the nation is reeling from the effects of Ompong,” sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque.
Di bababa sa pito katao, kabilang ang isang batang babae, ang nasugatan nang sumabog ang improvised na bomba sa tabi ng isang botika sa General Santos City, Linggo ng tanghali, ayon sa mga otoridad.
“Authorities are now conducting an investigation. We vow to bring the perpetrators of this brazen attack to justice,” ayon pa kay Roque.
MOST READ
LATEST STORIES