Du30 inalok si Lt. Gen. Bautista bilang bagong NFA Administrator

INALOK ni Pangulong Duterte si Philippine Army Commanding General Lt. Gen. Rolando Jose Bautista na pumalit bilang bagong Administrator ng National Food Authority (NFA).

Inihayag ni Duterte ang pagnanais na italaga si Bautista bilang pinuno ng NFA matapos namang bumisita sa Cagayan para personal na tingnan ang lawak ng pinsalang dulot ng bagyong Ompong.

“Sino ba maunang mag-retire sa inyo, si Rolly o ikaw? Rolly? Kailan ka, Rol? (October 15, 2018)NFA. Mabait yan, si Rolly. In the meantime na hindi kita mailagay sa Central Bank, pwede ka muna sa NFA siguro, to rationalize the idiotic.. Para maplano, make it structural. Mag-retire na yan o,” sabi ni Duterte.

Matatandaang nagbitiw si dating NFA administrator Jason Aquino matapos naman ang mga panawagan na siya ay sibakin sa harap ng problema sa suplay ng NFA rice.

“Mag-usap lang tayo ng balang araw ng ibang… In the meantime, kailangan ko lang kasi ng tao na…,” ayon pa kay Duterte.

“There’s the problem, because there’s a dearth of a substantial knowledge of where the rice is, that’s why I need somebody I can trust at masabihan ko na fix that… Wala naman ako bang malagay, si Bautista muna come October. Alam ko ayaw naman niya magbenta ng bigas, hindi naman siya tindero, so sabi ko pag usapan natin balang araw. In the meantime, we have to help the country to rationalize everything,” dagdag ni Duterte.

Sinabi naman ni Special Assistant to the President (SAP) Christopher “Bong” Go na wala pang pinal na desisyon kung tatanggapin ni Bautista ang posisyon.

Read more...