Pinalaya sina Hamdam Salim, 34, Subandi Sattuh, 27, at Sudarlan Samansung, 41, sabi ni Lt. Col. Gerry Besana, tagapagsalita ng Armed Forces Western Mindanao Command.
Pinawalan sila sa Brgy. Buanza, Indanan, dakong alas-4 ng hapon Sabado, sa pamamagitan nina Tarhata Misuari, Abdul Kiram Misuari, at dating Sulu. Gov. Abdusakur Tan, ani Besana.
Dinukot sina Salim, Sattuh, at Samansung noong Enero 18, 2017 sa bahagi ng dagat na malapit sa Taganak Island, Tawi-Tawi, aniya.
Aabot sa 32 armadong sakay ng isang lantsa ang dumukot sa mga banyaga, ayon sa isang military report.
Matapos pawalan, itinurn-over ang mga Indonesian kina Joint Task Force Sulu commander Brig. Gen. Divino Rey Pabayo Jr., Tan, at Sulu provincial police director Senior Supt. Pablo Labra.
Dinala ang ga banyaga sa Kuta Heneral Teodulfo Bautista Station Hospital sa Jolo para sa oagsusuring medikal at debriefing.
Nakatakda silang i-turn over sa ambassador ng Indonesian, sa tanggapan ng Western Mindanao Command sa Zamboanga City, Linggo, ani Besana.