Lumabas na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Ompong na nanalasa sa Luzon at tinatahak ang direksyon patungong China.
Bahagyang humina ang bagyo pagkadaan sa bansa. Umaabot na lamang sa 145 kilometro ang bilis ng hangin nito malayo sa 205 kilometro bawat oras na bilis ng hangin ng pumasok ito sa PAR.
Mananatili naman ang pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa bunsod ng Hanging Habagat.
Inalis na ng PAGASA ang lahat ng tropical cyclone warning signal na itinaas nito.
MOST READ
LATEST STORIES