Magnitude 4.6 lindol sa DavOr

NIYANIG ng magnitude 4.6 lindol ang Davao Oriental kaninang umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.

Naramdaman ang lindol alas-8:03 ng umaga at ang sentro nito ay 46 kilometro sa silangan ng Governor Generoso. May lalim itong 135 kilometro at sanhi ng tectonic plate sa lugar.

Nagdulot ito ng Intensity I sa Alabel, Sarangani at General Santos City.

Read more...