Angelica napamura nang matanong ang ex-BF: Gusto ko na ngang mag-ninang, eh!

ANGELICA PANGANIBAN

Viral ngayon ang video ni Angelica Panganiban kung saan sinagot uli niya ang paulit-ulit na tanong kung totoong naka-move on na siya sa kanyang ex-boyfriend.

Halatang pagod na rin ang aktres sa kasasagot sa nasabing tanong kaya naman napamura pa siya nang muli itong mausisa. Aniya, “P***** ina naman. Gusto na nga mag-ninang, eh.”

Siyempre, paniwala ng mga nakapanood sa video ang tinutukoy na ex ni Angelica ay si John Lloyd Cruz na ka-live in na ngayon ni Ellen Adarna na balitang nanganak na sa panganay nila ng aktor.

Pero last Friday sa Tonight With Boy Abunda, natatawang nilinaw ni Angelica wala siyang partikular na taong pinatutungkulan sa kanyang mga sinabi.

“Gusto ko mag-ninang sa lahat kasi ganoon po ako ka-loving na tao!” hirit pa ng leading lady ni Zanjoe Marudo sa bagong daytime series ng ABS-CBN na PlayHouse na magsisimula na bukas bago mag-Showtime.

Read more...