Agot ginawan ng fake news tungkol sa bigas para magmukhang boba

AGOT ISIDRO

SUPALPAL ang mga netizen na nagpakalat ng fake news laban sa aktres na si Agot Isidro na may koneksyon sa isyu ng inflation.

Kumalat ang isang tweet na sinasabing galing daw kay Agot, inirereklamo umano nito ang pagtaas ng presyo ng bigas. Sey daw ng aktres na kilalang kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte, “Sa mahal ng bilihin konti nalang isang kilong bigas.”

Nire-post ito ng isang netizen at nagkomento ng (Bisaya), “Oi mga LP, naa ra inyo idol, mas daghan ang 1kg bugas sa una kesa sa 1kg na rice karon… Kung kini modaog senador, mas daghan na cguro ang sulod sa 1kg rice hehe. Utak LP, 40×4=1600.”

Na ang ibig sabihin ay, “Uy, mga LP, ayan ang idol niyo, mas marami daw ang isang kilong bigas noon kaysa isang kilong bigas ngayon. Kung ito ay mananalong senador, mas dadami na siguro ang laman ng isang kilong bigas hehe. Utak LP, 40×4=1600.”

Isa pang netizen ang nag-repost nito na may caption na, “Kandidato ng LP ang utak nasa bunbonan tanga nalng ang boboto sayo. Konti na lng daw ang 1kilong bigas?! Talino mo te hayop ka.”

Kaya nang makarating kay Agot ang sinabi ng basher agad na nag-comment ang aktres ng, “Kuya, wag masyadong nagpapaniwala sa mga nababasa. Na- #FakeNews ka, kuya.”

Isa si Agot sa mga celebrities na pinagpipilian ng Liberal Party (LP) para tumakbong senador sa 2019 mid-term elections, kasama sina Jim Paredes, Leah Navarro at Dingdong Dantes.

Read more...