Darla Sauler sinisi sa pagkalat ng cellphone number ni Maymay

DARLA SAULER AT MAYMAY ENTRATA

Si Darla Sauler ang pinagbintangan sa paglabas sa internet ng photo which showed Maymay Entrata’s cellphone number.

Lumabas sa isang popular website ang photo ng cellphone number ni Maymay and one fan explained how it came to be.

“Guest siya sa kapamilya chat…she was asked to txt someone yata..then she chose Maymay, nagreply agad si Maymay. Pinakita niya sa camera. Ayon kita number. Napakatalinong bata,” esplika ng fan ni Maymay.

Dahil diyan, nagalit naman ang fans ni Kisses Delavin kay Darla kasi siya ang napagbintangan na nagkalat ng photo.

“Matagal na kaming tapos sayo. Lakas mong sumipsip. Naturingan na empleyado ng ABS hindi kayang manahimik. Talent ng ABS gusto mong ibaba. Iba ka din. Pero pag kaharap si Kisses ang bait bait.

#PushAwardsTeamKisses at paano ka nakapasok sa GDM ng kissables,” said one angry fan of Kisses.

“Tweethearts, tweet/post DELETED. Naiparating ko naman na siguro ng malinaw na wala akong kinalaman (at

I’m sure nasave na ang SS). Lesson learned, wag manlilibak ng kapwa, wag bintangera at wag imbentor. But still, the blocking season/party continues,” buwelta naman ni Darla sa basher.

Mix naman ang reaction ng netizens sa isang website.

“Iba na talaga ang kabataan ngayon, mga obssessed na faney at ipagtatanggol yung IDOL Nila through bashing. Napakatoxic ng socmed. Akala Ko pa naman may bagyo,may oras pa magbash.”

“Malala na ibang fans ni Kisses. Kawawang Kisses. Yung ganyang ugali ng ibang fans niya magrereflect sa kanya.”

“Di ko masisisi kung bakit na trigger si Darla, hello ikaw nga mapagbintangan? Hahaha. wala nga sya dun eh.”

“Lahat ng fandom ganon di lang kay Kisses. kahit kaninong fandom mga praning pag dating sa idulo halos sambahin idol. wag ng mag malinis iba.”

Incidentally, bukas na mag-uumpisa ang Playhouse na pinagbibidahan nina Kisses, Zanjoe Marudo, Angelica Panganiban at Donny Pangilinan.

Sa interview kay Kisses, she was asked kung may mood swings siya during the taping.

“Mabilis lang kami magutom pero hindi kami nagagalit sa isa’t isa,” say ni Kisses sa presscon ng Playhouse recently.

About Donny naman, sinabi ni Kisses ang kanyang discovery sa kanyang leading man while doing their first TV series together.

“Na-discover ko kay Donny na mabuti siyang tao at magaling siyang VJ and host. Also, he’s very nice naman.”

Is he boyfriend material? “Siguro po kapag mga 25 na ako masasabi kong boyfriend material na siya.”

Read more...