Noong maging roommate namin si Christian Bautista during the Gabay Guro event sa Bataan last weekend, masaya nitong itsinika sa amin ang nalalapit niyang pagpapakasal.
At dahil kilala rin namin itong matalino at observant sa paligid, nagwo-worry din siya sa kalagayan ng mga bagay-bagay sa lipunan, lalo na ang tungkol sa mahal na bigas at gasolina at iba pang apektado ng inflation.
“But that is life. We need to move on and do our share kaya naman thankful ako na nakapag-ipon ako ng sapat para sa mga panahong gaya ng plano kong magkaroon ng sariling pamilya.
“Pero dapat siguro ay dagdagan ko pa ang sipag dahil siyempre yung naipon natin, sasapat lang yun for a certain period of time. Kailangan magnegosyo at kumita at gumasta nabg tama,” tsika pa nito.
Ayaw man daw niyang isipin na magtitipid sila sa kanilang wedding (twice nga silang magpapakasal), sey nito, “Kasama na siyempre sa plano yung maging praktikal na hindi naman mag-suffer yung aming happiness.”
Si Christian nga lang ang male singer na kasama sa “Kapusong Pinoy: Paskuhan at Kantawanan sa Anaheim,” kaya’t nagpapasalamat daw siya na “uso” pa ang klase ng music niya lalo pa’t ang boses niya ang closest sa golden voice ni Jose Mari Chan na tinaguriang King of Christmas Carols.