Ipo-ipo tumama sa Marikina; 2 sugatan

ISANG ipo-ipo ang tumama sa Barangay Sta. Elena, Marikina City, Biyernes ng hapon, kung saan dalawa ang napaulat na nasugatan samantalang marami ang gusali ang napinsala.  

Agad na pumunta ang mga lokal na opisyal, kasama si  Marikina Mayor Marcelino Teodoro at mga pulis para tulungan ang dalawang residente, na nakilalang sina Paul John Campos at Janet Juanzo.

Dinala sina Campos at Juanzo sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center para magamot l.

Idinagdag ng Marikina police na naispatan ang ipo-ipo habang abala sa paghahanda sa “Ompong”.

Kabilang sa napinsala ay ang Our Lady of Abandoned Church, ang Kapitan Moy convention center, isang office building at mga linya ng kuryente sa kalapit na Marikina Shoe Museum.

Nagdulot din ito ng power interruption sa kagabaan ng J.P. Rizal st., Sta. Elena, at iba pang bahagi ng Barangay San Roque.  

Read more...