Zero casualty pa sa bagyong Ompong – NDRRMC

 

NANANATILING zero casualty pa rin ang natatanggap na report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa pananalasa ng bagyong Ompong, ayon sa ulat Sabado ng umaga.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque na siyang nanguna sa NDRRMC command conference, bagamat sketchy report lamang ang umaabot sa kanila, wala pang naiuulat na nasawi o nasugatan dahil sa bagyo.

“We confirm na as of now, as of this time, wala pa pong reported casualties,” ayon kay Roque.

“Right now it’s still ongoing that’s why wala pa tayong complete picture, so ngayon, we’re getting reports on the ground as the typhoon is still there,” dagdag pa ng opisyal.

Sa latest na weather bulletin ng Pagasa, ang mata ng bagyo ay nakita sa bisinidad ng Kabugao sa Apayao.  Ito ay bahagyang humina na may taglay na hangin na 185 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at gustiness na 305 kph.

 

Read more...