Pokwang napamura, pinutulan ng kuryente kahit nagbayad na


MAY kumampi at meron ding bumatikos kay Pokwang sa ipinost niyang mensahe tungkol sa pagputol ng Meralco sa linya ng kanilang kuryente kamakailan.

Sa kanyang Twitter account, naglabas ng sama ng loob ang komedyana nang putulan sila ng kuryente sa bahay sa kabila ng pagbabayad niya sa kanilang electric bill.

Galit na galit na Tweet ni Pokwang, “Hellleeerrr @meralco ang lupit nyo naman na late lang ng ilang araw dahil sa sobrang busy sa work di agad naasikaso ang bill na kayang kaya ko naman bayaran hello??? putol agad kung kelan nabayaran na after 1 hour??? walang pinag kaiba sa buwitre mga letse kayo!”

May ilang netizens ang nagsabi na na-experience na rin nila ang reklamo ni Pokey at naiintindihan nila ang ipinaglalaban ng komedyana.

May ilan naman ang nagsabi na matagal nang ganu’n ang proseso sa Meralco at kaya nga raw may due date ang bill para ma-budget at maplano na ang pagbabayad dito at maiwasan ang maputulan ng kuryente. May nagkomento rin na dapat daw ay hindi mag-feeling entitled si Pokwang dahil lahat naman daw ng tao ay busy.

May isa pang netizen ang nag-comment ng negatibo na talagang ikinapikon ni Pokwang. Burado na ngayon ang nasabing tweet matapos siyang resbakan ng komedyana.

Banat ni Pokey, “Hoy nobody taga meralco kaba? at nanggagalaiti ka? Hindi ka nanay kaya wag kang epal! nag nenebulize ako sa anak ko na may sipon at kakabayad ko lang ng pinutol nila tanga ka? Sana nagbabasa ka muna shunga!!!”

Ang tinutukoy ni Pokwag ay ang eight-month-old na anak nila ni Lee O’Brian na si Baby Malia.

Narito ang ilang komento ng followers ni Pokey na karamihan ay kumampi sa kanya.

“Apir Ms pokwang hayaan niyo na mukhang may kuliling!” sabi ni @KandyFerolini.

Komento naman ni @VkiChua, “I feel you Madam! Salamat sa pag-called out Madam sa Meralco kasi napakabilis nilang pumutol na minsan wa-lang abiso na puputulan ka tapos ang tagal mag-reconnect sa kuryente! Wag pansinin ang shunga diyan!”

“Hello po. enroll nyo na lang sa credit card nyo meralco bill and other utility bills para automatic ang payment. Credit card bill nyo na lang iintindihin nyo. Just a suggestion,” suggestion ni @merkaDing.

Read more...