Gabby super iwas kay Mega; payag mag-best man sa kasal ni KC

SHARON CUNETA AT GABBY CONCEPCION

TILA ayaw nang pag-usapan ni Gabby Concepcion ang mga bagay about Sharon Cuneta.

Sa pocket presscon for “Man And Wife,” a movie based from the characters of Loida Virina’s version of Lina Flor’s Gulong ng Palad, natanong si Gabby about his reaction sa 40th anniversary concert ni Sharon.

“Pag-usapan natin itong pelikula namin ni Jodi (Sta. Maria). Kawawa naman kami dahil wala kaming publi-city. Pasensiya na, ha. Bigyan natin ng pansin ito kasi kawawa naman kami. First time namin ni Jodi. Kaya tayo nagpa-publicity kasi kawawa naman ang producer,” say ni Gabby.

Pero nang matanong siya about his daughter KC Concepcion ay nag-comment naman ang still guapong actor na hindi yata tumatanda.

“Busy ang bata ngayon. Ayokong istorbohin. Parang in love yata ang anak ko. ‘Yun ang nararamdaman ko na nakikita ko sa Instagram ng anak ko,” he said.

Nagkakausap ba silang mag-ama? “Naku, mahirap kausap ngayon ‘yan. Alam mo naman ‘yan, naka-focus. Focused na focused,” he said.

Eh, paano kung maisipan na ni KC na magpakasal sa kanyang boyfriend? “Naku, kahit na ano ‘yung gusto niya, ‘yun na rin ang gusto ko. Kung gusto niya akong maging best man, puwede rin,” he said, adding na hindi pa niya nami-meet personally ang boyfriend ng kanyang anak.

Ang role ni Ronald Corveau as Carding ang role ni Gabby sa “Man And Wife” mula sa direksyon ni Laurice Guillen at mula sa Obra Cinema with Cineko Productions. Wife niya rito si Jodi who plays Luisa, once played by Marianne dela Riva.

Read more...