KUNG si Sharon Cuneta ang tatanungin, sana nga’y si Pierre Emmanuel Plassart na ang makatuluyan ng anak na si KC Concepcion.
“Dinadasal ko! Marami ring pain na dinaanan yung anak ko on her own. I hope it lasts forever na wala na siyang hahanapin pa,” sey ni Mega sa isang panayam.
Biro pa ni Mega, “Tsaka gusto ko na rin magkaapo. Sabi ko kay Kace (KC), ‘Anak pag di ka pa ikinasal at di ka pa nagkaanak, magpapabuntis ako, nakakahiya na. Alam mo naman, si Gong Yoo, we’ll never know. Ha-hahaha!”
Dugtong pa ni Sharon, “Nu’ng nagkahiwalay sila the first time, umiyak talaga ako, kasi such a gentleman, such a gentle soul, at mahal na mahal at respetong-respeto niya ang anak ko.”
MOST READ
LATEST STORIES