Kailan nga ba tutuldukan ang Pag-aabroad? | Bandera

Kailan nga ba tutuldukan ang Pag-aabroad?

Susan K - September 14, 2018 - 12:10 AM

MILYUN- MILYON ang Pilipinong nangingibang bayan. Napakarami ang lumalabas ng bansa araw- araw, lalaki o babae man.

Pero gaano nga ba sila kahanda na manatili ng matagal na panahon sa abroad upang magtrabaho? Ano nga ba ang nagtutulak sa marami nating mga kababayan na iwan ang Pilipinas at subukang mangibang-bayan?

Pangunahing dahilan diyan ang malaking suweldong tatanggapin mula sa mga dayuhang employer. Kung ikukumpara nga naman sa kaparehong trabaho, hindi lamang doble kundi makasampung doble pa nga ang maaari nilang matanggap. Kapag ipinapalit na kasi ang dolyar, maraming piso na ang katumbas niyaon.

Para sa marami sapat nang dahilan iyan upang makayanan ang mga hamon at problemang kaakibat ng pag-aabroad.

Klaro sa kanila kung bakit sila aalis. Ang makapag-pundar ng maliit na negosyo, magkabahay at makapag-patapos ng mga anak sa pag-aaral.

Pero bakit nga ba nababago ang mga plinanong iyon?

May mga ibang hindi nakayanan ang biglang pagkakaroon ng kakaibang kalayaan. Ang OFW na dati rating bantay sarado ng asawa, ngayon malayang nakaaalis ng bahay at may mga bagong kaibigan.

Ang OFW na dati- ratiy hindi nga makalabas ng bahay, ngayon may sariling pera, nakakabili ng kahit anong gusto niya.

Nakakain na rin niya ang mga pagkaing ni hindi pa nga niya natitikman. Nakakapag-suot na ng mga bagong damit. Kaya tiyak na may malaking pagbabago sa buhay ng isang OFW.

Pero kasabay ding nababago ang lifestyle ng kanilang mga kamag-anak. Tulad din ng OFW, sasabayan din nila ang bagong estilo ng pamumuhay.

Lahat nababago. At ang malungkot na resulta niyan, tuluyan nang makakalimutan ang orihinal na mga plano kung bakit may OFW, kung bakit kailangang umalis, kung bakit may maiiwan at marami pang iba.

Nakita ng mga opisyales ng ating embahada at konsulado ng Pilipinas sa iba’t-ibang panig ng mundo ang ganitong kalakaran. Kaya isinasabay din nila sa pangangailangan ng panahon ang kanilang mga programa na angkop sa kalagayan ng pamilyang OFW.

Gayong paulit-ulit, hindi nagsasawa ang pamahalaan na alalayan ang ating mga OFW at kanilang mga mahal sa buhay, na hangga’t maaari ay huwag mabago ang naunang mga plano at matuldukan kaagad ang kanilang pag-aabroad.

Hindi kasi natural sa pamilya ang naghihiwa-hiwalay higit lalo na kung napakaliliit pa ng mga anak nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si Susan Andes a.k.a Susan K. ay napapakinggan sa Radyo Inquirer DzIQ 990 AM(M-F 10:30 am 12:00 pm, audio/video live streaming: www.ustream.tv/channel/dziqHelpline: 0998.991.BOCW E-mail: [email protected]/[email protected]

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending