Male celeb na nalulong sa bisyo matigas pa rin ang ulo

TUNAY na magulo nga ang takbo ng utak ng isang magaling umarteng male personality na nabalaho ang karera dahil sa pagbibisyo. Napakaraming nanghihinayang sa kanyang talento.

At mukhang nanghihinayang na rin ngayon ang mga personalidad na tumulong sa kanya para sa pagbabagong-buhay dahil nabigo ang mga ito.

Unang komento ng aming source, “Napakatigas ng ulo ni ____ (pangalan ng kilalang male personality)! Mas matigas pa yata sa bato ang ulo niya dahil wala siyang pinakikinggang payo!

“Maraming handang umayuda sa kanya, pero siyempre naman, gusto ring makakita ng ebidensiya ang mga taong

‘yun na tumutupad siya sa usapan para sa pagbabago niya!

“Marami siyang gusto sa buhay. Gusto na raw niyang bumalik sa pag-aartista. Pero paano siya makababalik kung kalat-kalat pa rin ang takbo ng utak niya? Ni hindi nga siya makausap nang maayos, di ba?

“Napakatigas ng ulo niya, pati ang pamilya niya, hindi niya pinahahalagahan ang mga sinasabi sa kanya!” simulang chika ng aming impormante.

May nagmagandang-pusong tumulong sa aktor, sinagot nito ang lahat ng gastos para sa kanyang pagbabago, pero nabigo rin ang pinakahuling tumulong sa kanya.

Balik-chika ng aming source, “Matulungin talaga ang negosyanteng tumulong sa kanya, pero sinayang na naman ni ____ (ang lalaking personalidad) ang pagkakataon.

“Ang gusto raw niya, e, magtrabaho na lang sa loob ng kinaroroonan niyang rehabilitation center, pinayagan naman siya, pero agad-agad, nagsawa na naman siya.

“Masyado siyang mainipin, sawain siya, wala siyang nagtatagal na plano. Ano kaya ang gusto niyang mangyari sa buhay niya, forever na lang siyang ganyan?

“May tutulong sa kanya, babalewalain lang naman niya, ang gusto pa rin niya ang kailangang mangyari! Ano kaya ang gusto niyang mangyari sa buhay niya?

“‘Yung pagala-gala lang siya sa kung saan-saan, ‘yung para siyang namamalimos na kung saan-saan humihingi ng tulong, ‘yung binibigyan siya ng pagkain ng mga nakakakilala sa kanya?

“Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, part pa rin kaya ng bokabularyo niya ang salitang magnipiko?” pagtatapos ng aming source.

Read more...