Bryan Revilla kinarir ang pagpapapayat para sa ‘Tres’

BRYAN REVILLA

LAUNCHING movie ni Bryan Revilla ang trilogy film na “Tres” kung saan siya ang bibida sa maaksyon at madugong episode na “Virgo”.

Ito kasi ang itinuturing na first lead movie project ni Bryan kasama ang mga kapatid na sina Jolo Revilla at Luigi Revilla mula sa nagbabalik naImus Productions.

“This is personally special to me because this is the first time I’m doing a movie as lead. So this is very close to my heart kasi kung hindi ko naman ginalingan dito, sayang din naman ang opportunity,” pahayag ng binata sa nakaraang solo presscon niya para sa “Tres”.

Dagdag pa niya, “Not everyone gets this kind of opportunity and if ever na mabigyan tayo ng ganitong klase ng opportunity might as well na give your best talaga. Tsaka siguro nga, mahirap kalimutan at tuluyang iwanan ang isang hanapbuhay na kinagisnan mo at alam mong mahal ng iyong pamilya.”

Hindi rin biro ang ginawang paghahanda ni Bryan para sa kanyang role sa pelikula, una na riyan ang pagpapapayat.

“From being 200 pounds, getting back to my weight way back when I was I college, was really challenging, so discipline talaga,” sey ni Bryan na napakalaki na nga ng ipinayat.

Tungkol naman sa kanyang lovelife, inamin niyang single pa rin siya hanggang sa ngayon, “I’m single but
I’m not lonely kumbaga, and again kung nakilala mo naman ‘yung tama, dumating naman ‘yung tamang tao diyan sa buhay mo mararamdaman mo din naman ‘yun, e.”

Kahit walang girlfriend, masaya naman daw siya sa pagiging kuya sa mga nakababata niyang kapatid, “I always tell them to do the right thing in all aspects of life, kung ano sa tingin mo ‘yung tama. Kung alam mo kung ano ang tama panindigan mo ‘yung tama.”

Samantala, makakasama naman ni Bryan sa “Virgo” sina Carla Humphries at Joey Marquez.

Showing na ang “Tres” sa Okt. 5 sa mga sinehan nationwide, sa direksyon ni Richard Somes. Ang dalawa pang episode ng “Tres” ay ang “72 Hours” ni Jolo at “Amats” ni Luigi na idinirek ni Dondon Santos.

Read more...