Kris tuloy ang ‘wellness vacation’ sa ibang bansa; may bonggang pasabog pagbalik ng Pinas

By Reggee Bonoan September 14,2018
share this

Kris tuloy ang ‘wellness vacation’ sa ibang bansa; may bonggang pasabog pagbalik ng Pinas

By Reggee Bonoan September 14,2018
share this

KRIS AQUINO

Hindi pa rin nakakabalik ng bansa si Kris Aquino kasama ang mga anak na sina Joshua at Bimby dahil nag-extend ng wellness vacation niya ang Queen of Online World and Social Media. Oo nga, enjoy na enjoy ang mag-iina sa ilang linggo nilang bakasyon.

Huling update ni Kris sa kanyang IG ay nitong Set. 10 na ibig sabihin ay tila nakalimutan o sadyang hindi muna siya aktibo para mas maramdaman niya ang kanilang bakasyon.

Nabalitaan naming hindi naging pasaway ang blood pressure ni Kris kaya pala wala siyang mga post na tumaas o bumaba ang blood pressure niya. Ibig sabihin ay hindi siya stress sa bansang kinaroroonan niya ngayon at maganda ang paligid at simoy ng hangin na hinahanap ng katawan niya.

Oo nga, kapag nandito kasi sa Pilipinas ay hindi nagagawang maglakad-lakad ni Kris sa lugar kung saan malinis ang hangin at walang mga bagay na puwedeng dahilan para magkaroon siya ng allergies.

At take note, sa isang sossy residential hotel siya naka-check in na hindi puwedeng sabihin kung saan dahil baka may umakyat na naman sa kuwarto niya na hindi niya kilala.

At kahit na nakabakasyon si Kris ay diretso pa rin ang business at abala ang KCAP staff niya sa napakaraming inquiries na gusto siyang kuning brand partner. Pagbalik niya ay may super big news daw siya na bagong development sa KCAP.

Grabe ang demand ng ngayon ng Snail White Whipp Soap na simula noong ipinost niya sa IG ay ang dami ng inquiries.

At totoo ba bossing Ervin na posibleng magdagdag ulit ng branch ang Potato Corner/Nacho Bimby dahil sa lakas nito?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending