Gabby pinanggigilan, nakalmot, kinuyog ng mga guro sa Bataan

GABBY CONCEPCION

WE served as the program host of the very first regional Teacher’s Fest event in Bataan province last week, organized by the Gabay Guro, a Smart-PLDT advocacy project headed by Madam Chaye Cabal-Revilla.

In coordination with the LGUs, the DepEd and CHED officials in the province that has eleven municipalities and one component city, tagumpay ang event na ginanap sa People’s Park Center sa Balanga City.

Participated in by teachers from elementary to high school and colleges from all the municipalities, the whole day event was filled with laughter and fun as volunteer celebrities shared their time to entertain them.

Umaga pa lang ay busy na ang mga executives ng PLDT at Smart pati na ang iba pa nilang subsidiaries and partners dahil nag-conduct sila ng seminar para sa mga piling guro sa Bataan. Ang naturang seminar ay para sa pagpapayabong ng kanilang leadership skills and expertise sa mga assigned works nila sa school.

At nu’ng hapon nga, entertainment naman ang inihandog sa kanila. Being myself, a volunteer of Gabay Guro for almost 10 years (the group is on its 11th year this 2018), isa na marahil ang event namin sa Bataan sa pinaka-organize at pinakamasayang nadaluhan ko.

Kasama ko sina Boobay at Regina sa pagpapasaya sa unang bahagi ng palabas. Nang isa-isa ko nang tawagin ang mga celebrities to do their numbers, mas naging excited sina sir at ma’am. Inumpisahan nina Christian Bautista at Mark Bautista na pinagkaguluhan agad ng mga teachers.

Nang si Jona ang sumunod na kumanta, sinabayan siya ng maraming guro lalo pa’t ang theme song ng pamosong teleserye nina Joshua Garcia at Julia Barretto na Ngayon at Kailanman ang kinanta niya.

Although first time ng kaibigang Randy Santiago na mapasama sa event ng Gabay Guro, napakainit din ng pagtanggap sa kanya at nakakalokang masaksihan na “in na in” pa rin ang kanyang “Babaero” and other classic hits.

Then Jaya came in next na bumanat naman ng mga medley songs niya and some upbeat music na nagpasayaw sa marami.

But it was during the turn of Gabby Concepcion when the teachers, young and old, literally went wild.

Nagtakbuhan ang mga ito sa stage, kinuyog, niyakap, kinalmot at pinanggigilan ang dating matinee idol sa sobrang kilig at panggigigil na in fairness ay klik sa kanyang sing and dance numbers.

Nang finally matapos ang segment ng aktor, I called on Regine Velasquez-Alcasid, another long time volunteer na siyang responsable sa pagsulat at pagkanta ng theme song ng Gabay Guro.

Regine also did so well in all her numbers, pati na sa pag-raffle namin ng grand prize na isang unit ng tricycle. Other raffle prizes included more than a hundred units of smart phones and cash prizes courtesy of Cong. Joet Garcia, Gov. Abet Garcia, Mayor Francis Garcia and Cong. Geraldine Roman.

Napakasaya ng event at wala kaming narinig kundi ang very sincere na pasasalamat ng mga teachers sa mga organizers at performers, pati na kami na napapanood pala ng ilang mga teachers sa aming DZMM Teleradyo show at nababasa sa aming mga panulat.

Read more...