“SIYA yung lalaki, siya yung magtrabaho!” Ito ang sabi ng GMA Primetime Queen na si Marian Rivera tungkol sa naging usapan nila ng asawang si Dingdong Dantes tungkol sa pagtatrabaho.
Humarap kahapon si Marian sa mediacon ng “Kapusong Pinoy: Paskuhan at Kantawanan sa Anaheim”, ang early Christmas treat ng GMA Pinoy TV para sa mga Pilipino sa North America na magaganap sa The Grove of Anaheim sa Oct. 7, 2018.
Natanong si Marian kung ano na ang susunod niyang teleserye sa GMA dahil matagal-tagal na ring nagtapos ang Super Ma’am, aniya, baka raw medyo matagalan pa.
“May usapan kasi kami ng GMA heads at ng asawa ko na kapag may trabaho ang isa, hindi magtatrabaho ang isa para sa anak namin. Ang nangyari before, sabay kami ni Dong, naawa ako sa anak ko. Parang walang nag-aalaga.
“Although nandiyan ang mama ko, ang mommy ni Dong pero iba pa rin kapag nandito kami para sa kanya. Kasi ako, lumaki sa lola, na ayokong mangyari sa anak ko.
“Sabi ko kay Dong, ‘Mag-decide tayo na kapag may trabaho ang isa, hindi magtatrabaho ang isa.’
Nagkasundo kami nang ganu’n. E, may offer sa akin ang GMA, may offer din sa kanya.
“Siya yung lalaki, siya yung magtrabaho, so siya na muna. After niyan, next year, ako naman,” pahayag ni Marian.
Samantala, super excited na si Marian kasama ang iba pang Kapuso stars sa “Kapusong Pinoy: Paskuhan at Kantawanan sa Anaheim”. Ka-join din dito sina Comedy Concert Queen Ai Ai delas Alas, Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista, Asia’s Pop Sweetheart Julie Anne San Jose and the comedic duo of Donita Nose and Super Tekla.
“Excited ako at nagagalak na ipadama sa mga Kapuso natin sa Amerika ang totoong diwa ng Pasko. Siyempre iba pa rin ‘yung saya kapag kasama mo mag-celebrate ‘yung pamilya mo, mga kapwa mong Pinoy, kaya ‘yun ang gusto naming ihatid sa kanila,” ani Marian na host ng drama series na Tadhana na tumatalakay sa buhay ng mga OFW.
Chika naman ni Christian, isa sa mga judge ng The Clash, “It would be my greatest pleasure to welcome the holiday season with our kababayan in California. It’s never easy being away, especially when your loved ones are celebrating at home, and we’re all fired up to bring them a wonderful show with all-around entertainment and fun. It’s going to be amazing.”
Para kay Julie Anne, “Performing and doing shows abroad is always exciting, but I’m thrilled for Kapusong Pinoy in Anaheim because the Christmas season is just magical and a very happy time. We’ve got everything for them, song and dance numbers, pasabog performances, comedy…it’s all coming together and we can’t wait for them to see it.”
Chika naman ni Donita Nose, “Isang malaking karangalan po para sa amin ang maging part ng show na ito para makapaghatid ng saya sa ating mga kababayang nasa abroad.”
“Sana po magkita-kita po tayong lahat sa October 7 dahil wala kayong ibang gagawin kundi humalakhak, makikanta at makisaya,” hirit ni Tekla.
May sakit si Ai Ai kaya hindi siya nakadalo sa presscon ng “Kapusong Pinoy: Paskuhan At Kantawanan sa Anaheim”, pero sa isang panayam sinabi niyang paghahandaan niya nang bonggang-bongga ang mga pasabog niya sa show para pasayahin ang mga kababayan natin sa US.
“Sigurado akong mage-enjoy sila, at mararamdaman nila ‘yung totoong Paskong Pinoy,” ayon sa isa pang judge ng The Clash.
To purchase tickets, go to www.AXS.com and search for “Kapusong Pinoy.”