Pepe-Ritz movie binigyan lang ng 23 sinehan sa Metro Manila


NALUNGKOT kami sa nakuha naming balita habang tinitipa namin ang kolum na ito kahapon. Totoo nga kayang 23 Metro Manila theaters lang ang nakuha ng kabubukas lang na pelikulang “The Hopeful Romantic”?

Ito’y pinagbibidahan nina Pepe Herrerra at Ritz Azul produced by Regal Entertainment at sa direksyon ni Topel Lee. Sa probinsya raw ay sa 28 sinehan lang daw ipinalalabas ang pelikula.

Ang tsika sa amin ay mas priority pa rin daw ng theater owners ang mga pelikulang “Goyo: Ang Batang Heneral” at “The Hows of Us” na sa totoo naman ay humahataw pa rin at saksi kami rito, dagdag pa ang mga foreign films na nagbukas din kahapon.

Sabagay, first day pa lang naman kahapon ang “The Hopeful Romantic” at naniniwala kami na madadagdagan pa ang mga sinehan para rito dahil sa word of mouth. Pino-promote namin ang tambalang Pepe at Ritz dahil nakakatawa talaga sila at hindi buryong tulad ng ibang romcom na napanood namin na talagang panay ang hikab namin at kulang na lang ay layasan namin.

Sa mga taong gustong sumaya kahit sandali o nagpapalipas ng traffic ay watch ninyo muna ang “The Hopeful Romantic” dahil aliw talaga ang movie, mahusay si Pepe bilang komedyante at hindi hard sell ang mga bitaw niya ng jokes.

Anyway, alamin din sa movie kung bakit maputi ang private part ni Pepe ayon kay Ritz.

Read more...