Sarah, Matteo 5 taon nang magdyowa, sa Europe magse-celebrate ng anniversary

MATTEO GUIDICELLI AT SARAH GERONIMO

MAGKASAMANG ipagdiriwang nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo ang ikalimang taon ng kanilang relasyon sa Europe. Sila lang dalawa ang magkasama at hindi bubuntot sa magandang singer-actress ang kanyang Mommy Divine.

Natural, dahil aminado naman ang mga nagmamahalan na silang dalawa lang talaga ang magkasama sa ibang bansa, pinutakti ng pamba-bash ang mommy ni Sarah.

Biglang naalala ng marami ang ginawang pagpapahinto ni Mommy Divine sa isang episode ng programa ni Vice Ganda, ano raw kaartehan ito, ano raw ang gustong patunayan ni Mommy Divine?

Sabi ng isang basher, “E, nagsosolo na nga ang dalawa, meron pang alam na pagpapa-stop ng GGV si Aling Divine? Pinapayagan na nilang magkasama sa ibang bansa sina Sarah at Matteo, pero inabala pa niya ang production nang ipahinto niya ang pagpapalabas ng guesting ni Sarah?

“Ano ‘yun? Tinablan siya sa tanong kung nakaranas na ba ang daughter niyang matulog na may kasamang lalaki sa bed, pero ano ito?

“Alangan namang two hotel rooms pa ang kunin nila sa Europe?” naiinis na upak ng basher ni Mommy Divine.

Kahit pa hindi naman nila gagawin o nagawa na ay hindi mawawala sa utak ng marami na may nagaganap na matamis na milagro kapag magkasama ang magkarelasyon.

Sabi nga ng isang nakausap namin, “Ano ‘yun, magdadala sila ng chess board at maglalaro lang sila? Natural, pag-iisipan sila ng iba na meron silang ginagawa kapag sariling-sarili lang nila ang mundo!”

Read more...