Janine binura ang Twitter account dahil…


DAHIL sa walang awang bashers, napilitan na si Janine Gutierrez na i-deactivate na ang kanyang Twitter account. Affected na raw kasi siya sa mga kanegahang nababasa niya, lalo na sa comments ng haters bilang leading lady ni Alden Richards sa Victor Magtanggol.

Until now kasi ay meron pa ring fans nina Alden at Maine Mendoza ang hindi tanggap ang loveteam ng Pambansang Bae at ni Janine.

Sey ni Janine sa isang panayam, “Yung Twitter kasi, parang masyado na akong nagiging dependent sa kanya. Alam mo yung paggising ko, yun ang una kong tinitingnan.

“Kasi nag-enjoy din po ako na i-promote yung Victor dahil excited din talaga ako sa mga kuwento, na ipalabas yung mga eksena, yung mga fight scene.

“Pero yung sa Twitter, pahinga lang po muna kasi natatakot ako na baka maniwala na ako dun sa mga sinasabi ng ibang tao,” sey ng dalaga.

Active pa rin siya sa Instagram, pero meron pa rin daw namba-bash sa kanya dahil kay Alden, “Sa IG medyo may konti, pero naiintindihan ko naman po.

“Siyempre, nakakapanibago po, and alam ko rin naman yung feeling na kapag meron kang sobrang gustong team-up, di ba, or couple. Siyempre nandu’n yung pagmamahal mo, so naiintindihan ko naman,” sey ni Janine.

Read more...