Andrea Torres wala nang paki sa bashers: Positive na lang!

o
HINDI na affected si Andrea Torres sa patuloy na pamba-bash sa kanya ng netizens, pati na rin sa serye nilang Victor Magtanggol kasama si Alden Richards.

Sey ni Andrea malaking tulong ang mga past experiences niya sa mga nagawang serye kabilang na ang Alyas Robin Hood (ni Dingdong Dantes) na naging kontrobersyal din noon dahil sa tema nito, para maging manhid na sa mga nega.

“Hindi na kasi ako naapektuhan parang ang ganda nu’ng posisyon ko in life, very balanced ang lahat sa akin.

“Very positive lahat, so wala talagang nakaka-affect sa akin,” sabi ng dalaga sa panayam ng GMA.

Read more...