Kanina ay naitala sa P54.13 ang halaga ng isang dolyar sa bansa–ang pinakamababang halaga nito sa nakaraang 13 taon.
Noong Disyembre 2, 2005 ay naitala ang halaga ng piso sa P54.155.
Ang pagbaba ng halaga ng piso ay nangangahulugan ng mas mahal na pagbili ng mga produktong imported na maaaring magresulta sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa bansa.
Ang mga inutang naman sa ibang bansa na nasa dollar denomination ay nangangahulugan na mas malaki rin ang halaga ng kanilang babayaran.
Ang kuryente at tubig ay mayroong foreign currency adjustment cost na sinisingil sa mga kustomer kaya kung mahina ang piso mas malaki ang babayarang ito.
MOST READ
LATEST STORIES