DUMAMI umano ang mga walang trabaho sa ilalim ng Duterte government, ayon sa IBON Foundation.
Ayon sa survey, bumaba ng 295,000 ang bilang ng mga may trabaho sa survey noong Hulyo 2018 (40.67 milyon) kumpara sa 40.95 milyon noong Hulyo 2016, ang simula ng Duterte government.
“This is largely due to a huge 1.8 million drop in agricultural employment over that period. Job losses and expensive food characterize the crisis in the agricultural sector.”
Hindi umano sapat ang mga nalikhang trabaho upang matugunan ang bilang ng mga nawalang trabaho sa sektor ng agrikultura.
Nawala umano ang 2.2 milyong trabaho samantalang 1.9 milyon naman ang nalikhang trabaho sa ilalim ng Duterte government.
Ang pinakamalaking bilang ng nalikhang trabaho ay sa public sector (500,000) na sinundan ng construction (393,000), manufacturing (269,000).
“Only 488,000 additional jobs were generated in July 2018 from the year before. This is less than the 701,000 jobs created on average annually in the decade 2006-2015 prior to the Duterte administration. It was also not enough to make up for the huge 783,000 jobs lost in July 2017 from the last year, hence net job losses since the start of the administration.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.