AS expected, nang-agaw na naman ng eksena ang Kapuso actress na si Heart Evangelista sa isang sosyal na international fashion event.
Napasama si Heart sa Elle magazine’s list of best red carpet looks sa nakaraang Harper’s Bazaar ICONS party 2018.
Isa si Heart sa 44 celebrities na itinampok sa event, along with Paris Hilton, models Gigi Hadid, Kendall Jenner, Adriana Lima, Alessandra Ambrosio and singer Christina Aguilera.
Nakasama ni Heart sa pagrampa roon ang kanyang kaibigang stylist na si Katrina Cruz, suot ang design ni Mark Bumgarner.
Present din sa Harper’s Bazaar ICONS party sina Nicki Minaj at Cardi B na naging kontrobersyal pa matapos magkaroon ng away sa event.
MOST READ
LATEST STORIES