Alden waging Male Pop Recording Artist of the Year sa 2018 PMPC Star Awards for Music


WAGING-WAGI si Alden Richards sa katatapos na Star Awards for Music!

Tinanghal ang Pambansang Bae bilang Male Pop Recording Artist of the Year habang ang album naman niya ang nanalo sa kategoryang Pop Album of the Year at Album of the Year, huh!

Nagpasalamat si Alden sa PMPC sa awards na ibinigay sa kanya. Magsisilbing inspirasyon ang natanggap na parangal para sa kanyang “AR Adrenalin Rush” concert sa KIA Theater sa Sept. 21 pati na rin sa primetime series niyang Victor Magtanggol sa GMA.

Samantala, ang isa pang Kapuso artist na big winner sa Star Awards for Music ay si Kyline Alcantara na siyang nag-uwi ng New Female Recording Artist of the Year award.

Read more...