Willie nagprisintang ninong sa baby ng Wowowin contestant

WILLIE REVILLAME

NAG-VOLUNTEER si Willie Revillame na maging ninong ng magiging anak ng isa sa mga naging contestant sa Wowowin.

Sa isang episode ng game show ng GMA, sinorpresa si Kaiser Boado ng kanyang girlfriend na si Jzajza Pantonial – ibinalita nito on national TV na magiging tatay na siya.

“Thank you, kasi sa 13 years, hindi ako naging perfect pero tinatanggap mo ako lagi. Kumbaga, naging mas mabuti akong tao dahil sa ‘yo. Hindi mo ako sinukuan. Hindi ko na nga alam kung paano mabubuhay nang wala ka eh.

“Kung iisipin ng iba corny ‘yun, pero alam nating dalawa kung ano’ng pinagdaanan natin.

“Mahal na mahal kita at lalo kitang mamahalin dahil dalawa na kayo. Hindi kita iiwan forever,” ang madamdaming mensahe ni Kaiser kay Jzajza.

Na-touch si Willie sa love story ng dalawa kaya sinabi nitong, “Sige ninong ako niyan dahil dito naganap ‘yung pagtatapat sa ‘yo ng iyong magiging asawa.”

Hirit pa ng TV host-comedian, “Sige, sagot ko party n’yo sa bata. Mag-ingat kayo saka huwag mong bibigyan ng problema ‘yan para maging masaya. Dapat laging may music, lagi ka lang masaya para maging maganda ‘yung buhay nung bata.”

Read more...