Cherie Gil nagwagi ng ‘Oscar’ mula kay Ate Guy

Tuwang-tuwa naman ang netizens sa ipinost ng Onanay kontrabida na si Cherie Gil sa kanyang Instagram account recently.

Aniya, sa wakas daw ay natanggap na niya ang kanyang pinakamimithing “Oscar” award na ibinigay nga ni Superstar Nora Aunor na siya namang gumaganap na nanay ni Jo Berry sa Onanay.

Ang “Oscar” pala na tinutukoy ni Cherie ay ang designer perfume mula sa Dominican fashion designer na si Oscar dela Renta. Caption ng aktres sa picture nila ni Ate Guy habang hawak ang regalo ng Superstar, “I finally won an OSCAR. !! Thank you, Ate Guy, for this sweet unexpected present. #onanay.”

Read more...