Magaling na aktor napilitang mag-kontrabida uli para makabili ng gamot
MARAMING personalidad na hindi tumatanggap ng mga proyektong kontra sa kanilang kalooban. Kapag kontrabida ang role ay agad nilang tinatanggihan, ayaw nilang kumapit sa kanilang imahe ang hindi kagandahang role na pinagagampanan sa kanila, hindi bale na lang ang kanilang katwiran.
May isang male perso-nality na ganu’n din ang pananaw nu’n, pero dahil sa matinding panga-ngailangan ay kinalimutan niya na ang hindi kagandahang maidudulot nu’n sa kanyang pangalan, tinatanggap niya na ang alok ng mga prodyuser.
Kuwento ng aming source, “Dati, ayaw niyang tanggapin ang role na rapist siya, ‘yung papatay siya, nagbibida na rin kasi siya nu’n. magaling siyang umarte, totoong-totoo.
“Matagal siyang hindi tumanggap ng mga pangkontrabidang roles, kasi nga, may mga pinagbibidahan siyang projects. Bida na nga naman siya, e, gagawin pang kontrabida?” umpisang chika ng aming source.
Pero biniro ng kapalaran ang male persona-lity. Nagkasakit siya, kaila-ngan niya ng gamot na re-gular niyang dapat inumin para gumanda ang pakiramdam niya, nagbago na ang pananaw niya sa buhay.
Patuloy na chika ng aming impormante, “Tumanggap na siya ng mga roles na grabe ang kasamaan niya talaga. Rapist, mamamatay-tao, magnanakaw, lahat na ng masamang papel na dapat niyang gampanan, tinatanggap na niya!
“Kasi nga, e, kailangan niya ng pambili ng maintenance niya, saan niya kukunin ang pambili ng mga gamot niya? Alangan namang manghingi na lang siya palagi ng tulong sa madadatung niyang kasamahan?
Ayaw niyang tumulad sa mga artistang panay-panay ang hingi ng tulong sa mga pulitikong artista.
“Kaya ayun, sa ngalan ng matinding panga-ngailangan, e, tinatanggap na niya ang mga roles na talagang kinamumuhian siya ng manonood sa sobrang kasamaan.
“Hindi rin kasi siya natutong mag-ipon nu’ng mga panahong marami siyang trabaho. Nagbisyo pa siya, kaya dumating ang panahon na kahit pambili lang niya ng gamot, e, wala siyang mapagkunan.
“D’yan, d’yan siya magaling nu’n! Todo siya sa paggastos, kaya nu’ng dumating ang pangangaila-ngan niya, upos!” pagtatapos ng aming source.
Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, kilalang-kilala n’yo siya, sa malakas pa lang niyang halakhak, e, tumbok n’yo na kung sino siya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.