Nathalie ayaw magpakita sa tao habang buntis: Chaka tingnan!
DAHIL itinago niya ang kanyang pagbubuntis ay dusa ang inabot ni Nathalie Hart nang gawin niya ang “Abay Babes” for Viva Films.
“Noong time na ‘yun ay nagse-segue ako. May tinatapos akong isang pelikula at may teleserye ako and I am shooting this (Abay Babes). Parang mahihimatay na ako na hindi ko maintindihan. If it’s Friday, kukuha ako ng Grab. Bahala na.
“Tapos may time pa na ‘yung driver hindi niya alam so I have to get another Grab. Eh, di kailangan kong kumuha ng tricycle. Sabi ko, punyeta. Gusto kong sumigaw na ‘ayoko na’. Ano ba ito?’ Kasi I’m so tired. Nag-a-attitude na ako kasi buntis na ako.
“Na-stress talaga ako kasi kailangan kong humabol doon sa shoot ko pero na-late pa rin ako,” chika ni Nathalie.
She admitted that she’s one of the boys when she was growing up.
“I grow up with three boys. Ang tawag ng pamilya ko sa akin ay tibo. Ako ‘yung original Tivoli talaga dito. Naging girl lang ako mga sixteen years old na ako, noon high school na ako. Pero medyo wala akong pakialam sa mga tao. That’s my personality talaga. Wala, wala akong hirap, walang drama,” chika niya.
Next month ay pahinga na ang beauty ni Nathalie, “I’m done with work na and I’m just waiting for the films that we shot. Aalis na ako next month kasi pahinga na ako.”
When direk Don Cuaresma asked her kung kailan siya babalik, Nathalie’s reply was, “Direk kailangan sexy ako kung babalik ako. Dapat bumalik na parang walang nangyari.”
Ayaw magpakita ni Nathalie sa public habang buntis.
“Baka face, smiling lang. Ayoko (magpakita), chaka tingnan, eh. It depends kung may makakita sa akin. I’d be so proud na yes this is me. But ‘yung maternity shoot, I don’t feel I like it. Parang for me mas excited ako na makita ng tao ‘yung baby kaysa naman ‘yung sa tiyan ko. Ano’ng pakialam nila sa tiyan ko, ‘di ba?”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.