Cristine: Ok naman po ako, tahimik ang buhay!

By Jun Nardo September 08,2018
share this

Cristine: Ok naman po ako, tahimik ang buhay!

By Jun Nardo September 08,2018
share this


IBINUKING ni Nathalie Hart na may boyfriend ang Miss International nating si Kylie Versoza sa press launch ng movie nilang “Abay Babes” under Viva Films.

Atubili kasing magsalita ang beauty queen-turned actress kung may karelasyon siya ngayon pero sinabi na rin niyang non-showbiz ang guy ang nagpapaligaya sa kanya.

Sa panig naman ni Nathalie, “I couldn’t ask for more!” May Indian fiancé na ang sexy actress at magaganap na ang civil wedding ngayong December bago lumabas ang baby nila sa January.

Para naman sa co-star nilang si Meg Imperial, “Non-showbiz but it’s complicated ngayon! Ngayon lang, bukas hindi na!”

“Parang nagpapahinga ako ngayon. Taking my time at inaaral ko muna ang konsepto ng self love.

“Seriously speaking, I am not with anyone. Single, super duper pero nai-enjoy ko naman siya. This is the first time na nakahinga talaga ako ng bongga. Nai-enjoy ko ‘yung trabaho ko, pamilya ko and friends. Bet na bet ko ang freedom. I can do everything. Parang hindi na ako sanay maging single sa totoo lang.

“Nara-rattle ako nu’ng una. Parang hindi ko alam ang gagawin ko. Pero kaya ko rin pala!” ang pahayag naman ni Roxee Barcelo matapos mahiwalay sa boyfriend na si Will Devaughn.

“Okay naman po ako ngayon. Tahimik ang buhay ko. Maayos naman ang lahat!” matipid namang sabi ni Cristine Reyes na tikom pa rin ang bibig sa isyu kung hiwalay na sila ng asawang si Ali Khatibi.

May gusto ba siyang baguhin sa nangyaring beach wedding nila ni Ali noong 2016? “Uhm, so far, hindi ko pa po naisip iyan. So hindi ko rin alam yung isasagot ko.”

Naniniwala pa ba siya sa kasal? “Oo naman,” ang diretsong sagot ni Cristine.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending