Tv executive na tibo nag-resign matapos kasuhan ng seksing female personality

By Cristy Fermin September 08,2018
share this

Tv executive na tibo nag-resign matapos kasuhan ng seksing female personality

By Cristy Fermin September 08,2018
share this


TAHIMIK na pinagkukuwentuhan sa isang malaking network ang ginawang pagsasampa ng kaso ng isang female personality sa isang ehekutibo ng kanilang departamento.

Nagdesisyong kasuhan ng babaeng personalidad ang nasabing executive dahil masyado na raw siyang binabastos nito. Dahil sexy ang babae at parang palaging kulang ang tela ng kanyang kasuotan sa kaigsian, siguro nga ay naisip nito na madali lang siyang makuha, pero hindi ‘yun nangyari.

Kuwento ng aming source, “Ramdam kasi ng female personality na parang nababastos na siya. Panay kasi ang paramdam ng TV executive na type na type siya.

“E, hindi naman kasi pangtibo ang girl, di nga ba’t palagi siyang nababalitang mahilig sa mhin? Panglalaki siya, hindi pangkabaro, kaya naiirita siya!” umpisang chika ng aming source.

Mahilig makipagnomo-nomo ang girl. Palagi siyang laman ng mga bar kasama ang kanyang mga kaibigan na tulad niya ay imbudo rin ang lalamunan sa pag-inom.

“Matindi sa inuman ang babaeng ‘yun! May mga time na wasted na siya, nakikita na lang siya ng mga kaibigan niyang nagmamalasakit na nakadukdok na sa table dahil sa sobrang kalasingan.

“E, napakalaking invitation pa naman sa mga kalalakihan ang kaseksihan niya. Malalaki pa ang boobs niya. Kaya nag-aalala ang mga friends niya na baka may kung anong mangyari dahil sa kaiinom niya!

“Totoo naman na kung manamit siya, e, parang wala siyang pambili ng tela. Maigsi siyang manamit, kitang-kita pa ang magkabilang bundok niya, nasa katinuan man ang kahit sinong lalaki, e, siguradong maeengganyong tingnan siya.

“Baka naman kasi nakarating du’n sa tibo ang mga kuwento na kapag may dumarating na foreign artists dito sa atin, e, nakikipag-close ang babaeng ‘yun?

“Napabalita pa nga siyang girlfriend ng isang pulitikong mahilig sa mga girls, di ba? Kaso, nagkamali ang executive, hindi pala type ng girl na ito ang mga kalahi niya.

“Sa lalaki pa rin ang girl, ‘yun pa rin ang type niya, kaya kaso ang ibinalik niya sa executive. Nag-resign na kuno ang ehekutibo, pero inilihim ng departamento ang kuwento. Pulido ang pagtatago nila sa nangyari pero lumabas pa rin naman,” pagtatapos na chika ng aming source.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, siguro naman, e, hindi na kayo mauupo ngayon sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan sa panghuhula kung sino ang sexy female personality na ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending