MAS lalo pang kinapitan ng mga manonood ang mga programang handog ng ABS-CBN dahil sabay sa pagpapalabas nito ng tatlong bagong serye noong Agosto, patuloy din itong nanguna sa national TV ratings sa pagtala nito ng average audience share na 44%, ayon sa datos ng Kantar Media.
ABS-CBN ang pinakatinutukang network sa parehong urban at rural homes, partikular na sa Metro Manila, na may average audience share na 41%. Nanguna rin ang Kapamilya sa Total Luzon sa pagrehistro nito ng 40%; sa Total Visayas, 51%; at Total Mindanao, 52%.
Ang FPJ’s Ang Probinsyano (41.7%) pa rin ni Coco Martin ang nangungunang palabas sa bansa, na sinundan ng Your Face Sounds Familiar Kids (34.8%) hosted by Billy Crawford.
Kabilang rin sa top 10 most watched programs ang TV Patrol (31.2%), ang bagong primetime serye na Ngayon At Kailanman (29.9%), Bagani (29.6%), Maalaala Mo Kaya ni Charo Santos (28.4%), Wansapanataym (25.7%), Home Sweetie Home (24.9%), at The Blood Sisters (21.6%).
ABS-CBN din ang nanguna sa lahat ng timeblocks, partikular na sa primetime matapos nitong magtala ng average audience share na 48%.
Panalo rin ang Kapamilya network sa morning block (6 a.m. to 12 noon) sa pagtala nito ng 41%; sa noontime block (12 noon to 3 p.m.) sa pagrehistro nito ng 43%; at sa afternoon block (3 p.m. to 6 p.m.) sa pagkamit nito ng 43%.