MASALIMUOT ang sitwasyon where Sharon Cuneta finds herself embroiled in these days.
Hindi ang Megastar ang direktang sangkot sa isyu, her husband Sen. Kiko Pangilinan is. Hindi naman din principally involved ang mambabatas kundi ang kabaro niya, si Sen. Sonny Trillanes.
Kaisa kasi si Kiko sa battlecry ni Sonny hinggil sa revocation o pagpapawalang-bisa ng ipinagkaloob na amnesty sa kanya sa ilalim ng P-Noy administration kaugnay ng inilunsad nitong mutiny many years ago.
Inalmahan ni Kiko ang pagdakip kay Sonny, na aniya’y malinaw na persecution laban sa mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte (their colleague Sen. Risa Hontiveros also echoed the same sentiment).
Kung hahanapan ito ng showbiz link ay walang ibang naiipit sa usapin kundi si Sharon. In more ways than one, she has a share of “collateral damage” to it.
Kamakailan ay chummy-chummy si Sharon sa Pangulo even having a photo taken with him at a gathering. Si Sharon ay idolo ng Presidential daughter, si Davao City Mayor Sara Duterte.
Kunsabagay, sa mga magkakaibigan, there is and should be no room for political issues. Marahil, ang paniniwala ni Sharon, friendship transcends politics. And it should at all times.
At kilalang isang “apolitical” person si Sharon who—irony of ironies—grew up seeing her father (the late Mayor Pablo ng Pasay City) entrenched in local politics for the longest time, is married to a politician and is a niece to the House Speaker pero nungkang nakisawsaw sa politika.
Much is said and written about Cesar (or Chet) na kuya ni Sharon na tatakbong mayor sa Pasay City sa 2019 elections. Ipinagpapalagay nga ng marami na “inaawitan” ni Sharon ang Pangulo para mapabilang sa partido ng administrasyon.
Babanggain ni Chet ang kandidato mula sa oposisyon, but in our interview with him ay iba ang tawag sa binubuo nilang alyansa, not necessarily with the blessing from the President’s party affiliation.
Totoong magkaiba ang mundo ng mag-asawang Sharon at Kiko, with neither of them switching positions. Pero paniguradong in the privacy of their bedroom ay nagkukumustahan—kundi man napagdidiskusyunaang mag-asawa about their respective worlds.
With an open-minded discourse ay kakambal siyempre ‘yon ang kanilang mga dissenting views and thoughts.
While Sharon has a mouthful to say about—or against—the political goings-on, she’d rather keep it to herself or strictly sa kanilang dalawa lang ni Kiko. An active social media user, alam ni Sharon na may mga “postables” at “non-postables” in her account.
Walang problema kay Kiko, he’s known for being non-showbizzy anyway. Mas pigil or restricted ang sitwasyon ni Sharon dahil ikinukumpara namin ‘yon sa isang mabangis na aso na may busal ang bibig that cannot even bark.
Hay, politika, when will you ever allow the exercise of liberal minds without getting crucified?