Hilo, sakit ng ulo | Bandera

Hilo, sakit ng ulo

Dr. Hildegardes Dineros - July 05, 2013 - 07:00 AM

BIBIGYAN-daan natin ang ilang text ng ating mga readers na sumusubaybay sa Dr. Heal. Paumanhin kung hindi natin mailathala kaagad ang kasagutan sa marami ninyong mga tanong. Hindi nangangahulugan na hindi namin kayo binibigyan ng importansiya. Mahalaga kayo sa amin at mahalaga sa Inquirer Bandera ang inyong kalusugan.

Good am doc, nabasa ko po ang “Stressed ka ba?” sa Bandera. May katanungan din po ako. Hindi ko po maintindihan ang sarili ko, nagpa-checkup po ako pero lahat ng resulta ay OK naman. Kaso po ang nararamdaman ko ay lagi akong nahihilo, laging masakit ang ulo ko. Magtu-two years na po itong nararamdaman kong ito? Ano po kaya ito? Salamat po. – Lyn ng Marikina, …6585

Posibleng stressed ka at tension headache ang nararamdaman mo. Mag-take ka muna ng pain reliever with muscle relaxant. Pero importante na matuto kang mag-manage ng stress. Pwede kang tumawag sa Radyo Mediko tuwing gabi 8-9:30pm , 05191875-76, makinig po kayo sa Radyo Inquirer dial 990 am. Salamat.

Itago nyo na lang po ako sa pangalang James . Nabuntis po ang GF ko nung December. Two months po siyang buntis ngayon. Uminom po siya ng dalawang piraso ng Cortal ((ibuprofen hindi po aspirin) pero hindi po nalaglag. Nagdesisyon po kaming ipagpatuloy na lang po kaya four months na po siya ngayon.
Pwede po bang magkadiperensiya ang anak namin paglabas? Ano po ang dapat naming gawin? Nagsisisi na po kami sa ginawa namin. Natatakot po kami baka may epekto sa bata ang gamot na ininom niya. Sana po matulungan nyo kami. – James, …2693

James, asahan mo na walang mangyayari sa magiging anak mo. Gawing regular ang pagpa-checkup ng iyong misis para mabantayan ang kalusugan niya at ng inyong magiging anak.

Hi Dr. Heal. Ask ko lang po, anu-ano po ba ang dapat kainin para maging active sa sex at maging healthy ang sperm cells ko? Gusto na naming talagang mag-asawa na magkaanak. Salamat po. – Marvin, 29, Kabacan, …8727

Bata pa kayo para mangailangan ng supplements. Ilang taon na kayo mag-asawa? Ipadala mo ang iyong sperm analysis mo. Regular ba regla ng asawa mo? Nagpa-ultrasound na siya ng uterus and ovaries at nagpa-pap’s smear?

Editor: Ang kolum ni Dr. Heal ay lumalabas tuwing Biyernes. Napapakinggan din siya sa Radyo Inquirer 990AM gai-gabi mula alas 8 hanggang 9:30.
May nais ba kayong itanong o isangguni sa kanya? I-text ang inyong pangalan, edad, lugar at mensahe sa 0999858606 o 09178052374.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending