Mahigit triple ang itinaas ng networth ni Villara ngayong 2018 kumpara sa $1.6 bilyon na kanyang net worth noong isang taon, sabi ng Forbes.
Ito na ang pinakamataas na pwesto ni Villar matapos siyang unang mapasama sa listahan noong 2006.
Pinalitan niya si John Gokongwei Jr, na bumaba sa No. 3 matapos na umabot na lamang sa $4.4 bilyon ang kanyang yaman mula sa $5.5 bilyon noong isang taon.
Sinabi ng Forbes na lumaki ang net worth ni Villar dahil sa kanyang real estate developer Golden Bria Holdings, matapos namang umabot ng 1,300 porsiyento ang share increase sa unang bahagi ng taon.
Kumita rin si Villar sa dalawa pang kompanya, ang mall operator na Starmalls, Inc. at low-cost property developer Vista Land and Lifescapes.
Napanatili naman ni Henry Sy, chairman ng SM Investments, ang unang pwesto matapos umakyat pa ang kanyang net worth sa $18.3 bilyon ngayong taon, mula sa $18 bilyon.
Narito ang iba pang pumasok sa Top 10:
1) Henry Sy; US$18.3 billion
2) Manuel Villar; $5 billion
3) John Gokongwei Jr.; $4.4 billion
4) Jaime Zobel de Ayala; $4 billion
5) Enrique Razon Jr.; $3.9 billion
6) Tony Tan Caktiong; $3.85 billion
7) Lucio Tan; $3.8 billion
8) Ramon Ang; $2.85 billion
9) George Ty; $2.75 billion
10) Andrew Tan; $2.6 billion