Maine bidang-bida sa project ng ADN scholar

MAINE MENDOZA AT KYLINE ALCANTARA

NA-STARSTRUCK si Kyline Alcantara nang makita si Maine Mendoza sa nakaraang guesting ng una sa Eat Bulaga.

Gusto sana niyang umatras pero nang si Meng mismo ang lumapit sa kanya para bumeso eh, sinamantala na niya ang magkaroon ng selfie sa idolo.

Para kay Kyline, isa sa best birthday gifts ang ma-meet ang kanyang idolo. Kahit baguhan lang siya eh, nadama niya ang sinseridad mula sa Phenomenal Star, huh!

Bilang pasasalamat naman sa biyayang natamo sa kanyang career, isinelebreyt ni Kyline ang kaarawan niya kasama ang ilang cancer patients.

Para naman sa kanyang fans, ang major concert niya ngayong Sept. 8 sa Skydome ang regalo niya.

Samantala, isang beneficiary ng ADN Scholarship Drive ang naging inspirasyon din si Meng sa pagpi-present niya ng isang project sa school. Nadaanan namin sa Twitter ang pictures ng netizen habang nasa loob ng classroom at photos ni Meng ang nasa presentation niya.

Sayang nga lang at nang muli naming balikan ang tweet eh, hindi na namin mahagilap dahil sa tambak nang tweets kaugnay ng hashtag na #ALDUB164thWeeksary, huh!

Read more...