May trabaho dumami- PSA

BAHAGYANG tumaas ang bilang ng mga may trabaho sa bansa, ayon sa datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority kahapon.

Naitala sa 94.6 porsyento ang employment rate ng bansa noong Hulyo 2018 mas mataas ito sa 94.4 porsyento na naitala noong Hulyo 2017.

Ang pinakamababang employment rate ay naitala sa Ilocos Region (93.5 porsyento), at sinundan ng Central Luzon (93.7 porsyento), Calabarzon (93.7 porsyento), Bicol Region (93.7 porsyento), at National Capital Region (93.9 porsyento).

Ang unemployment rate naman ay naitala sa 5.4 porsyento mas mababa sa 5.6 porsyento sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.

Pinakamataas ang unemployment rate sa Ilocos Region (6.5 porsyento), Central Luzon (6.3 porsyento), Calabarzon (6.3 porsyento), Bicol Region (6.3 porsyento) at NCR (6.1 porsyento).

Sa mga walang trabaho, 61.1 porsyento ang mga lalaki.

Tumaas naman ang underemployment rate sa 17.2 porsyento mula sa 16.3 porsyento. 

Ang populasyon ng mga 15-anyos pataas ay 71.56 milyon tumaas mula sa P70.16 milyon.

Read more...