Lindol sa Ilocos Norte

NIYANIG ng magnitude 3.7 lindol ang Ilocos Norte ngayong umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.

Naramdaman ang lindol alas-10:25 ng umaga. Ang sentro ng lindol ay limang kilometro sa silangan ng Dumalneg. May lalim itong anim na kilometro.

Nagdulot ito ng Intensity III paggalaw sa Dumalneg at Pagudpud.

Intensity II naman sa Laoag City, Bacarra at Pasuquin.

Read more...